Edsa Revo

HIMAGSIKAN NG LAKAS NG BAYAN, ANG PAGGUNITA

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o ang Rebolusyon sa Edsa na popular na tinatawag sa Ingles na People Power Revolution na nagugat sa mga serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktatoryang pamumuno ni Ferdinan Marcos, na siyang nagpasiklab sa damdaming ng mga Pilipinong gustong makalaya ang pag paslang kay Ninoy Aquino nuong 1983.

Maraming mga tao ang nakilahok- mga sibilyan, mga kilalang personalidad sa pulitika at showbiz, mga military at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin.

Kusang loob na nagtipon tipon ang mga Pililipino sa Abenida Epifanio de los Santos o sa ngaun na tinatawag natin na Edsa na isang pinakamahalagang daan sa Kalakhang Manila.

BALIK TANAW

Ayon sa kasaysayan, ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan,ang kauna-unahang mapayapang rebolusyon sa daigdig na nag-ugat nang paslangin sa Ninoy Aquino noong 1983 pakatapos lumapag ang kanyang sinasakyang eroplano galing Estados Unidos. Ang pagpaslang sa tinaguaring bayani ay syang gumising sa mga Pilipino na umaklas laban sa dektatorya.Sa malayang kalooban ng mga Pilipino na nag martsa at nagtipon tipon sa Edsa nang apat na araw mula Febrero 22 hanngang Febrero 25 sa taong 1986.

Dahil sa udyok ng Estados Unidos, nagkarun nang snap election at sa pamimilit nang taong bayan sa nuong may bahay at balo ni Ninoy Aquino na si Corason Aquino na lumaban sa pagka Presidenti laban sa kasalukuyang administrasyon Ferdinand Marcos. Dahil sa pinaniniwalang talamak na dayaan nung eliksyon na ideniklara na nanalo si Marcos nag walk out ang mga taga comelec.

Naudyok ang mga lider nang sundalo na si Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos na mag aklas laban sa gobyerno na siyang sinuportahan nang mga mamayang Pilipino. Higit 3 milyong Pilipino ang nag martsa mula Avenida hanggang Cubao dala dala ang sandatang rosaryo at imahen ni Birheng Maria. Pantay pantay, nagkabuklod buklod ang mga Pilipino na mapalaya sa dictatorya.

Nuong February 25, 1986, nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong Presidente nang Pilipinas at dahil na din sa mungkahi nang Estados Unidos, nilisan ng angkan Marcos ang Pilipinas at lumipat sa Hawaii.

San Patutungo?

Sa ika-34 anibersayo ng mapayapang rebulosyon ng Pilipinas, sa mata ng bawat Pilipinong namulat sa bagong kasarinlan, ang Edsa Revolution ay handog ng Pilipinas sa mundo. Ang ating kontribusyon sa pagsisikap ng daigdig upang makapagpatayo ng isang pantay pantay, mapayapa at maunlad na sanlibutan.

Maaring madami na ang naganap matapos ang People Power. Madami pa rin ang kinakaharap na suliranin ng Pilipinas, mababang ekonomiya, kawalan ng trabaho, mga natural na kalamidad, epidemya, pagtaas ng bilihin at marami pang iba.

Hindi makakaila na ang utang natin sa bawat Pilipino ordinaryo man o may katungkulan na nagkaisa at ipinaglaban ang ating kasarinlan. Saan na nga ba tayo patungo? Maaring bawat isa sa atin ay pare parehong sentimento.

Sa bawat araw ng ating pakikibaka sa buhay, dapat lagi nating isaisip ang diwa ng Edsa upang lalo pa tayong magkaisa at magbigkis para makamtan ang hinahangad na kaunlaran.

Sa bawat hamon ng panahon, ipakita natin sa buong mundo na tayo’y magwawagi. Sa pagkakatong ito harapin natin na may pagkakaisa ang hamon at ang laban sa kahirapan. Mabuhay ang Pilipinas!.

 

Photo credits : Cheska Mae Marcial